What's on TV

Sagutan nina Jennylyn Mercado at Valeen Montenegro sa 'Love. Die. Repeat.', intense!

By Jansen Ramos
Published February 12, 2024 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and valeen montenegro in love die repeat


Sa nakaraang linggo ng GMA Prime series na 'Love. Die. Repeat.,' nabisto na ni Angela (Jennylyn Mercado) na kabit ang kanyang kaibigang si Chloe (Valeen Montenegro).

Intense ang mga nagdaang eksena sa pinag-uusapang suspense drama series sa gabi na Love. Die. Repeat.

Sa nakaraang linggo ng GMA Prime series, nabisto na ni Angela (Jennylyn Mercado) na kabit ang kanyang kaibigang si Chloe (Valeen Montenegro).

Nadatnan ni Angela ang asawa niyang si Bernard (Xian Lim) at si Jerome (Ervic Vijandre), ang boyfriend ni Chloe na may asawa na, na nagsusuntukan matapos makipag-break si Jerome sa huli.

Nakikipaghiwalay si Jerome kay Chloe dahil nahuli na sila ng kanyang misis na si Dianne (Faye Lorenzo) pero sinuyo pa rin ni Chloe ang nobyo kahit siya ay kabit.

Ayaw na ni Jerome na makipagbalikan pa at pinagtabuyan niya si Chloe kaya ipinagtanggol ito ni Bernard bilang kanyang officemate.

Nang dumating si Angela sa parking lot, sinisi ni Chloe ang kanyang kaibigan dahil sa kanilang breakup ni Jerome.

Tingin kasi ni Chloe, may kinalaman si Angela kung bakit nalaman ng high school classmate nilang si Dianne ang relasyon nina Chloe at Jerome.

Hindi naman kinunsinti ni Angela si Chloe at ipinamukha sa kanyang kaibigan na mali ang pangangabit.

Panoorin ang intense sagutan nina Angela at Chloe sa Love. Die. Repeat. sa video sa itaas.

Mapapanood ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.

Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.

May replay naman ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

Mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.