
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Sa September 29 (Martes) episode nito, nalaman na ng mga diwata ang kahinaan ng mga Hadezar, ang bagong kampon ni Hagorn (John Arcilla).
Ang tanging makatatalo lang sa mga Hadezar ay ang isang kagaya nila na Ivtre o kaluluwa.
Isasakripisyo ni Amihan (Kylie Padilla) ang kaniyang sarili upang maging isang ganap na Ivtre, na makapagtataboy sa mga yumaong mandirigma ng Hathoria.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.