What's Hot

Saksihan ang pagsibol ng isang palabang bulaklak sa 'Ice Adonis'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong linggo, mapapanood niyo na ang isa sa pinaka-in demand na drama sa Korea, ang 'Ice Adonis.'


By MICHELLE CALIGAN

Ngayong linggo, mapapanood niyo na ang isa sa pinaka-in demand na drama sa Korea, ang Ice Adonis.

Makikilala niyo si Jenna, ang babaeng walang ibang hinangad kung? ?'di? ?makuha ang loob ng kanyang stepsister na si Yoo Ra at magturingan sila bilang tunay na magkapatid. Ngunit hindi ito ang nais ni Yoo Ra. Ang gusto niya ay ang maangkin ang lahat ng mayroon si Jenna dahil para sa kanya, kinuha nito ang lahat ng nasa kanya nang magpakasal ang kanyang ama sa ina ni Jenna. Lalong tumindi ang inggit niya dito nang malamang boyfriend ni Jenna ang longtime crush niyang si Ernest.

Dahil sa sobrang inggit ay palalabasin niyang si Jenna ang nakasagasa sa kapatid ni Ernest, isang aksidenteng siya ang may kasalanan. Makukulong si Jenna at sa isang iglap ay mawawala ang lahat sa kanya, kabilang na si Ernest. Sa paglabas niya ng kulungan, malalaman niyang ikinasal na sina Yoo Ra at Ernest. Ito ang tutulak kay Jenna na maghiganti sa kanyang stepsister para mabawi ang lahat na inagaw sa kanya.

Huwag palampasin ang hidwaang yayanig sa telebisyon! Saksihan ang paghihiganti ng babaeng kasing tibay ng bulaklak na Ice Adonis, Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m. sa GMA Heart of Asia Mornings.