
Lubos ang kasiyahan ni Salome Salvi sa pagiging bahagi niya ng hit GMA Prime series na Black Rider.
“Sobrang ganda ng experience,” sabi ni Salome nang makausap siya ng GMANetwork.com sa ginanap na celebration ng bagong milestone ng Vivamax noong Huwebes, March 16.
Patuloy niya, “Sobrang maalaga yung mga tao sa set, sobrang maalaga sila sa akin. Ang dami kong natutunan sa mga co-actors, sa prod, so the transition has been very smooth.
“I'm really proud sa mga narating ng Black Rider and I'm really proud of myself din dahil nakatungtong ako dun. Napakagandang platform nun para sa akin, so I'm always grateful.”
Hindi rin niya malilimutan ang Biyahero Riders ng programa na sina Jason Gainza, Empoy Marquez, Janus del Prado, Rainier Castillo, at Shanti Dope.
Aniya, “It's been really amazing. It's been really helpful, ang daming kong natutunan sa kanila. Dahil kami yung parang comic relief ng Black Rider, ang gagaan kasama ng co-actors ko sa Black Rider--sina Kuya Janus, Kuya Empoy, Kuya Jason, at Shanti dope kahit wala na siya. Masaya ang tropahan naming mga biyaheros.”
Dahil daw sa serye, mas napabuti pa ang kanyang talento sa pag-arte.
Ani Salome, “Ngayon na umaarte na ako sa mainstream, I really have to be a working actor. Before wala naman akong ganung background kasi lahat ng [adult contents] ko, di naman ako umaarte dun.
“So, noong tumungtong ako sa Vivamax and lalo na sa Black Rider, kinailangan ko talagang matutong umarte, mag-memorize ng lines, bumuo ng character, makipag-interact or banter sa co-actors, mag-improvise. Like, these are all new skills to me, so parang malaking adjustments din, malaking learning curve.”
Samantala, narito ang ilang pang Vivamax babes na naging bahagi ng Black Rider:
Bukod sa Black Rider, nagpasalamat din si Salome sa Vivamax sa pagbibigay nito ng daan para makapag-mainstream siya.
“Yung Vivamax, very aligned siya with the thing that I'm already doing, so parang nabigyan ako ng lakas ng loob. And noong nakatuntong ako sa Viva, nasabi ko talaga na, 'Ay, parte na ako ng industriya.'
“That gave me a lot of confidence in myself na kaya ko pala. So, I think, yun ang pinakamalaking naitulong sa akin, yung validation sa sarili ko,” sabi niya.
Bagamat mas madalas na siya ngayon sa mga pelikula at telebisyon, hinding-hindi raw iiwan ni Salome ang kanyang pinagmulan, ang pagiging adult content creator.
Aniya, “I [still] make p*rn. Patuloy akong nakikipag-collaborate sa other creators and I'm streaming na rin. Nama-manage ko naman to keep everything going. “
“Honestly, ang buhay pelikula, ang buhay artista hindi naman araw-araw may trabaho. Thankfully, may opportunities talaga na nabibigay sa amin. I wouldn't say inconsistent, pero hindi araw-araw.”
Kaya naman, dagdag niya, “As much as possible, I want to do all three. I wanna keep doing my p*rn. I wanna keep doing Vivamax, soft p*rn, erotica.
“Gusto ko pang makatrabaho yung iba nating mga direktor at saka gusto ko sana ipagpatuloy ang aking TV career because that's something I enjoy very much. Iba yung mundo o environment ng TV. Mahal ko na rin siya, so sana magtuluy-tuloy all three.”