
Binigyang-linaw ni Sam Verzosa na walang kinalaman ang kinasangkutang kaso ng dating girlfriend na si Rhian Ramos sa naging hiwalayan nila.
Matatandaan na noong January ay nasangkot si Rhian, kasama ang mga kaibigan na sina Michelle Dee at Samantha Panlilio nang maghain ng reklamo ang dating driver ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Alyas Totoy ng illegal detention, unlawful arrest, at physical injuries laban sa tatlo.
Nitong March, sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, kinumpirma ni Rhian na hiwalay na sila ng long-time boyfriend, “Yes, we've broken up already. We're not in a romantic relationship anymore. And, I think, it's only now that I feel comfortable saying that because he confirmed it already also in an interview and I read about it.”
Dahil sa timing ng mga nangyari, maraming fans ang nagkaroon ng haka-haka na maaaring ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang pagkakasangkot ni Rhian sa naturang kaso.
Sa parehong GMA Afternoon Prime talk show nitong Lunes, June 22, nilinaw ni Sam na walang kinalaman ang naturang isyu sa kanilang breakup.
“It all happened, wala na po kami ni Rhian, e. So, wala talaga akong firsthand information regarding that case na mahirap magdagdag ng kahit ano. Wala naman ako doon and tapos na kami,” sabi ni Sam.
Dagdag pa niya, wala naman itong kinalaman sa paghihiwalay nila.
BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA RHIAN AT SAM SA GALLERY NA ITO:
Pinabulaanan din ni Sam ang mga bali-balitang involved siya sa mga litratong nasa loob ng ang pao na kinuha diumano ni Alyas Totoy.
Nang tanungin naman siya ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa ugnayan nila ni Totoy, sinabi niyang kilala naman niya ito dahil uina, driver siya ng dating girlfriend. At pangalawa, natulungan na rin niya ito minsan.
“Ugnayan, Tito Boy, we have texted before; we text before kasi 'pag driver ni Rhian...but not because of that, not the case,” sabi ni Sam.
Panoorin ang panayam kay Sam dito: