Article Inside Page
Showbiz News
Here's your chance para maka-bonding sina Kylie Padilla, Geoff Eigenmann, Mikael Daez at Benjamin Alves ng hit telefantasya na 'Adarna' as they chat with fans online on Tuesday, February 4, 2014, from 3 p.m. to 5 p.m. (Philippine time).

Here's your chance para maka-bonding sina Kylie Padilla, Geoff Eigenmann, Mikael Daez at Benjamin Alves ng hit telefantasya na
Adarna as they chat with fans online on Tuesday, February 4, 2014, from 3 p.m. to 5 p.m. (Philippine time).
Iba-iba man ang paraan nina Migo, Falco at Bok sa pagpapakita ng pagmamahal nila kay Ada ay pare-pareho silang handang ibigay ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng hinirang.
Nailigtas na nina Migo at Bok si Ada mula kay Robin, ngunit may bago na namang problemang kakaharapin ang hinirang - ang pagbalik ng alaala ni Bok na siya si Agalon, ang kapatid ni Garuda.
Makakaligtas kaya si Ada gayong isa sa mga kaibigan niya ang magdadala sa kanya sa kapahamakan?
Sa pagbabalik ni Ada sa Pugad Sanghaya, maipaparamdam na kaya ni Falco ang kanyang pag-ibig sa babaeng kanyang pinoprotektahan? O uunahin pa rin niya ang kanyang tungkulin?
Si Migo naman, tanggap ang pagiging babaeng ibon ni Ada, lalo na nang malaman niya na ang kanyang tinatawag na 'Angel' at si Ada ay iisa. Paano kaya niya ipaglalaban ang minamahal gayong ibang nilalang ang makakabangga niya?
Alamin kung ano pa ang mga mangyayari sa inyong mga paboritong tauhan sa
Adarna by joining Kylie, Geoff, Mikael, and Benjamin's live chat this Tuesday, February 4, from 3 p.m. to 5 p.m. (Philippine time) Log on to GMANetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.
- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com