
Narito na naman ang isang live action adaptation ng isa sa pinakamamahal na manga at anime ng Japan—ang Chibi Maruko Chan TV Drama.
Hango ito sa hit manga series ni Momoko Sakura, pati na sa anime adapatation nito.
Iikot ang kuwento sa pilyang batang si Maruko (Zoey Lin) at ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
Kabilang na dito ang kanyang pala-aral at masinop na kapatid na si Sakiko (Mandy Wei) na kabaligtaran niya ng personalidad, ang mayaman at galante niyang kaklase na si Kazuhiko Hanawa (Jiro Wang) at Honami Tamae (Zooey Tseng), ang bestfriend niyang mahilig mag-daydream.
Huwag palampasin ang? Chibi Maruko Chan TV Drama, Lunes hanggang Biyernes, 9:45 am simula January 29 sa GMA Heart of Asia.