
Mapapanood na sa Prime Video simula April 24 ang pelikulang handog ng GMA Pictures na Samahan ng mga Makasalanan.
Ang Samahan ng mga Makasalanan ay ang 2025 satirical comedy film mula sa GMA Pictures. Ito ay pinagbidahan nina David Licauco, Sanya Lopez, Joel Torre, at marami pang iba. Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Benedict Mique.
PHOTO SOURCE: GMA Pictures
Ang kuwento ng Samahan ng mga Makasalanan ay tungkol kay Deacon Sam na ginampanan ni David. Siya ay pinapunta sa Sto. Kristo para tulungan ang mga residenteng magbago mula sa pagiging sugarol, magnanakaw, tsismosa, at iba pa.
Abangan sina David Licauco, Sanya Lopez, Joel Torre, at marami pang iba sa Samahan ng mga Makasalanan sa Prime Video simula April 24.