What's Hot

Samahan sa isang inter-dimensional adventure sina Doraemon at Nobita!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 10:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Endemic na hayop sa Mindanao na tingkolit o 'treeshrew,' nakita sa Mt. Apo
Rising inflation alarms business owners in CDO
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News



Matulungan kaya nina Doraemon at Nobita ang mga taong nakatira sa planetang Koya Koya?


Isang gabi, biglang magigising sina Doraemon at Nobita  dahil makakaramdam sila ng pagyanig. Ilang sandali pa, may maririnig silang kumukuha ng pagkain sa kanilang refrigerator!

Makikita nila dito si Chammy, isang kuneho mula sa planetang Koya Koya. Nakarating siya sa Earth gamit ang lagusan na makikita sa ilalim ng sahig ng bahay ni Nobita. 

Dadalhin ni Chammy sina Doraemon at Nobita sa Koya Koya at makikilala nila dito si Loppic.

Gamit ang lagusan patungong Koya Koya, madalas bibisita at makikipaglaro kina Loppic at Chammy sina Nobita at Doraemon. Ngunit isang araw ay bigla na lang silang aatakihin ng ilang minerong naghahanap ng crystals.

Ano ang balak ng mga minerong ito sa planetang Koya Koya? Matulungan kaya nina Doraemon at Nobita ang mga taong nakatira dito?

Alamin sa Doraemon: The New Record of Nobita's Spaceblazer, May 16, 7:55 a.m. sa nag-iisang GMA Astig Authority.