GMA Logo Miguel Tanfelix in Planet XP
PHOTO SOURCE: Planet XP
What's on TV

Samahan si Miguel Tanfelix sa bagong misyon sa Floridablanca, Pampanga sa 'Planet XP'

By Maine Aquino
Published May 14, 2026 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HSBC downgrades PH economic growth outlook, warns of stagflation
Senator says Sen. Dela Rosa has left the Senate
National Museum of the Philippines observes International Museum Day with activities

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in Planet XP


Alamin ang mga hamon kay Miguel Tanfelix sa 'Planet XP' ngayong May 16.

Sa ikatlong episode ng Planet XP, sasamahan natin si Miguel Tanfelix sa pagdiskubre ng mga challenges at rewards kasama ang indigenous group na Ayta-Mag Indi sa Floridablanca, Pampanga.

Ngayong May 16, mapapanood ang panibagong Planet XP missions ni Miguel kung saan makikisalamuha siya sa Ayta community, magha-harvest ng mga gulay, at matututong magluto at kumain ng mga lokal na putahe.

Isa sa mga tampok sa episode ang pagsakay ni Miguel sa “Kolongkong,” isang tricycle na may cage-like sidecar na ginagamit sa pagdadala ng produce at livestock sa komunidad. Ipapakita rin dito ang kanyang pagluluto ng “Sukit” na kanilang version ng pakbet, pati na rin ang pag-aaral niya kung paano magluto ng bigas gamit ang buho.

Sa segment na “Alaga Ko,” makikilala naman si Mariet Bakani na magbabahagi ng Ayta healing ritual na tinatawag na pag-aanito. Samantala, sa “Planet Art” segment, makakasama ni Mariet ang kanyang anak na si Muriel Bakani upang ipakita kung paano ginagawa ang “bankat,” isang multipurpose basket na yari sa pinong uri ng kawayan na tinatawag na beto.

PHOTO SOURCE: Planet XP

Mapapakilala rin sa episode na ito si Tammy Tamaraw, ang cute at curious na character na magbibigay ng kaalaman tungkol sa makulay na blue-tailed bee-eater.

Hatid ng GMA Network ang Planet XP katuwang ang National Council for Children's Television bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).

Samantala, nakatanggap din ng exemption ang Planet XP mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa educational aspect ng programa na naghihikayat sa exploration at pangangalaga sa kalikasan. Ginawa ang Planet XP bilang child-friendly na content o programang angkop para sa mga bata.