GMA Logo Samantha Bernardo and Scott Moore
Photo source: @samanthabernardo_
What's Hot

Samantha Bernardo, ipinagbubuntis ang kanilang panganay ni Scott Moore

By Ron Lim
Published November 23, 2025 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Samantha Bernardo and Scott Moore


Ipinaalam ni Samantha Bernardo ang kanyang pagbubuntis sa isang photoshoot na kasama rin ang kanyang asawang si Scott Moore.

Ang dating Binibining Pilipinas Grand na si Samantha Bernardo ay nagdiriwang ng isang mahalagang milestone sa kanyang buhay pagkatapos niyang i-announce ang kanyang pagbubuntis sa social media.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mga litrato si Samantha kasama ang kanyang asawa na si Scott Moore at ang ultrasound ng kanilang anak, pati na rin ang isang pares ng sapatos para sa isang sanggol. Sa caption, isinulat ni Samantha na paparating na ang kanilang “little miracle” at magkakaroon ng gender reveal ang mag-asawa.

A post shared by Samantha Bernardo | Host, Speaker & Podcaster (@samanthabernardo__)

Ikinasal sina Samantha Bernardo at Scott Moore noong April 2024, pagkatapos maging engaged noong 2023.

Related gallery:

Si Samantha ang latest celebrity na nag-anunsyo ng pagbubuntis ngayong taon. Noon Agosto, ipinaalam ng content creator na si Bea Borres ang kanyang pagbubuntis sa isang YouTube video na pinamagatang "Finding out im pregnant + friends reaction."

Nitong buwang lamang ay kinailangan i-postpone ni Bea ang kanyang baby shower dahil sa kanyang health emergency na nagresulta sa kanyang pagka-confine sa ospital sa araw ng kanyang baby shower.

Sa isang Facebook post na hindi na ma-view ngayon, isinulat ni Bea na “Today was supposed to be my baby shower, payments settled, invites sent to family and friends weeks in advance, but here I am still in the hospital for close monitoring.”

Pagpapatuloy niya, "It's also almost the end of my semester, and I honestly don't know how this will go. I'm just really hoping and praying for the best. Please pray for my baby

“[Thank you] to my family and friends who made time to visit me during times like this. It means so much to be reminded that I'm not alone.”

Nag-anunsyo rin ng pagbubuntis ngayong buwan ang Status by Sparkle star na si Chef Ylyt Manaig sa kanyang Instagram account. Sa caption ng kanyang post, isinulat niya na “We dreamt of you, prayed for you, and now you're on your way. The prettiest pink surprise of our lives. Baby girl, we can't wait to meet you.”

A post shared by Ylyt Frixiah Manaig | Vlogger 🇵🇭 (@thechefylyt_tv)

Related gallery: