
Proud si Kapuso actress Andrea Torres na mapabilang sa bagong romance drama series na Love Before Sunrise.
Kasama niya rito ang mga premyadong aktor na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo at award-winning actor na si Sid Lucero.
Ipinagmamalaki din daw niya ang karakter na si Czarina, ang magsisilbing kontrabida sa pagitan ng mga karakter nina Dennis at Bea na sina Atom at Stella.
"When she enters a room, mafi-feel mo 'yung presence niya talaga. Alam niya kung ano 'yung meron siya at gusto niya lagi fino-flaunt 'yun," paglalarawan niya sa kanyang karakter.
Kahit kontrabida, may lalim naman daw ang karakter ni Czarina.
"Hindi mo alam, minsan natatawa ka sa kanya, minsan naiinis ka, minsan naaawa ka," lahad ni Andrea.
Challenge daw sa kanya ang karakter na ito lalo na at malayo ito sa ilang huling mga proyektong ginawa niya.
"Feeling ko hindi mo dapat kinakahon 'yung sarili mo na pang ganito lang ako or dapat ito lang 'yung makita nila sa akin," paliwanag ni Andrea.
Masaya si Andrea na nakasundo at naging kaibigan agad ang co-star niyang si Bea kahit na lagi silang nagbabanggan sa mga eksena nila sa serye.
"Mga sampal, may mga maaanghang na salita, mayroon 'yung parang mapapa-cringe ka na lang talaga na talaga bang nangyayari 'to?" bahagi ng aktres sa mga dapat abangan sa kanila ni Bea sa Love Before Sunrise.
Narito ang isang eksklusibong pasilip sa isa mga kaabangabang na eksena sa pagitan ni Andrea at Bea sa Love Before Sunrise.
Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng dalawang taong paghihiwalayin ng magkakaibang sirkumstansiya ng kanilang mga buhay.
Sa muli nilang pagkikita matapos ang maraming taon, babalikan nila ang mga "what if" ng naudlot nilang relasyon.
Ang Love Before Sunrise ay collaboration sa pagitan ng GMA Entertainment Group at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.
Subaybayan ang Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere.