What's on TV

Sampalan nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes, mapapanood na ngayong linggo!

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 15, 2017 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang mainit na eksenang ito sa 'Pinulot Ka Sa Lupa.'

Patindi nang patindi ang mga ganap sa GMA Afternoon Prime soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa na pinagtatambalan nina Kapuso stars Julie Anne San Jose at Benjamin Alves. Nakikihati naman ang ginagampanang role ni LJ Reyes sa pag-iibigan ng magkababata.

 

 

Patuloy na pinaglalayo ni Angeli sina Santina at Ephraim sa isa’t isa ngunit pilit namang pinaglalapit ng tadhana ang dati nang nawalay na magkaibigan.

Kwento ng leading man sa kanyang panayam sa Unang Hirit, “Makikilala na ni Ephraim si Santina bilang ‘yung kababata po niya, so mahuhulog na po si Ephraim kay Santina.”

Hindi papayag si Angeli kaya, “Mag-aaway na talaga sila. Makikita na po nila ‘yung mga iconic na mga scenes po sa pelikula, ‘yung mga sampalan. ‘Yung mabibigat [at] malalaman na linya [ay] maririnig na [rin] nila this week and next week.”

Nagpasalamat naman si Asia’s Pop Sweetheart sa magandang reviews ng kanilang pinagbibidahang serye na TV remake ng 1987 hit movie, “I [want to] thank everyone sa pagsuporta po sa show, and of course, palagi nagte-trend [at] palaging number one [so] thank you so much guys.”

Abangan ang mga tagpo sa Pinulot Ka Lang sa Lupa mula Lunes hanggang Biyernes ng 4:15 p.m.

MORE ON PINULOT KA LANG SA LUPA:

READ: Julie Anne San Jose, nakaka-relate raw sa kanyang karakter sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’

READ: Julie Ann San Jose, LJ Reyes at Benjamin Alves, hindi pressured sa remake ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ 

LOOK: TV remake ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ sinubaybayan ng mga viewers