Article Inside Page
Showbiz News
Ayon kay Sancho, hindi nangyari "overnight" ang pagiging magkabarkada nila ni Gerald Sibayan, ang BF ni Aiai.
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
"Para ko pong barkada ang boyfriend niya."
Mas bata si Gerald sa kanya, kaya aminado ang aktor na hindi naman niya agad naging kaibigan ito.
"'Yung boyfriend po ni Mama, si Gerald, kasama ko rin po siya eh. Hindi naman po ito nangyari na overnight naging okay lahat."
Aniya, "Kasi ang usapan naman po namin ni Mama simulan noon pa, kahit sino pa 'yan, kahit ano pa 'yan, as long as masaya ka, go lang. Susuportahan ka namin. Pero kapag hindi ka na masaya, that's the only time na eentrada kami sa love life mo."
May mensahe rin si Sancho para sa kanyang ina noong Mothers' Day.
"Ma, continue mo lang kung ano ang gusto mong gawin and always think about yourself first before 'yung ibang tao. Kasi siyempre paano ka makakapagbigay ng pagmamahal sa ibang tao kung hindi mo mahal ang sarili mo? Kumbaga, asikasuhin mo muna ang sarili mo parati. And I know you're happy that ngayon you feel at home."
Napansin daw kasi niya ang pagbabago kay Aiai mula nang bumalik ito sa Kapuso network.
"Relaxed na siya eh. Kapag nakita mo siya ngayon, lagi siyang nakangiti. At sobrang upbeat palagi 'yung aura niya na 'O ano ang gagawin natin today?' Sobrang saya niya na nandito na siya ulit. Dumating po kasi 'yung time na parang nalulungkot siya. So parang kami, nandoon kami for her noong buong time na nahahabag 'yung loob niya. Hanggang sa pumunta siya dito, iba na lahat. Iba na ang aura niya, anlaking difference."