
Hats off sa galing husay ang netizens at fans kina Lexi Gonzales at 2NE1 member Sandara Park nang gawin nila ang 'I-Memorize Yarn' mission sa 'Anti-homesick race' sa Running Man Philippines.
Sa naturang mission kinailangan nilang makanta sa napaka-init na salt room nang tama at walang sablay ang Pinoy folk song na "Sitsiritsit alibangbang."
Kung challenged na para sa Pinoy Runners ang napaka-init na 50 degrees celsius sa loob ng salt room, pinahirapan pa ang pagkanta nila ng "Sitsiritsit alibangbang" dahil kailangan nilang palitan ang lahat ng syllable na “ka” at “ma” ng “krung” sa second verse ng folk song.
Nag-viral online ang episode clip ng 'I-Memorize Yarn' mission at umabot pa ng mahigit sa 2.5 million views ito sa Facebook.
Napahanga ang viewers kay Sandara dahil fluent pa rin siya sa pagsasalita ng Filipino.
Source: Running Man PH social media pages
Pinuri rin ng marami ang performance ni Lexi Gonzales na unang nakatapos ng mission!
Source: Running Man PH social media pages
Ulit-ulitin ang mga nakakaaliw moment na napanood sa pre-finale race ng Running Man Philippines sa videos below!
@gmanetwork #RunningManPH2: September 1, 2024 | Atat na atat na silang makalabas! 🤣 #RunningManPH #TikTokTainmentPH ♬ original sound - GMA Network
RELATED CONTENT: KOREAN STARS WHO JOINED RUNNING MAN PH SEASON TWO