
Ramdam na ramdam ng 2NE1 member at "Pambansang Krung Krung" ng Pilipinas na si Sandara Park ang pagmamahal sa kanya ng Pinoy fans sa naganap na Shoot of Asia all-star basketball game, kung saan isa siya sa mga performer.
Sa kanyang latest Instagram post, ipinarating ni Sandara kung gaano niya kamahal ang Pilipinas at ang kanyang Filipino fans. Ipinakita rin niya ang ilang mga larawan sa bansa at ang mga natanggap na regalo mula sa fans at ilang brands.
"Kailangan pa ba tanungin kung bakit ako laging bumabalik sa Pilipinas? Of corz (course), it's my 2nd home, at sobrang mahal ako ng mga kababayan ko," sabi ni Sandara.
Dagdag niya, "Pero!!! Mas mahal ko kayo."
Sa nasabing PH-Korea sports event na inorganisa ng local clothing brand na Bench, pinerform ni Sandara ang kanyang hit song na "Kiss," maging ang tracks ng 2NE1 na "I'm the Best" at "Go Away."
Ganoon din, kinanta at sinayaw ni Sandara ang iconic Tagalog dance hit niyang "In or Out" na sinabayan ng Pinoy fans.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG HIGHLIGHTS NG BENCH SHOOT OF ASIA EXHIBITION GAME DITO: