
Napuno ng hiyawan at sinabayan ng Pinoy fans ang performance ng 2NE1 member at "Pambansang Krung Krung" ng Pilipinas na si Sandara Park sa naganap na Bench Shoot of Asia exhibition game noong Linggo, October 26, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Kabilang si Sandara sa mga nag-perform sa nasabing PH-Korea sports event na inorganisa ng local clothing brand na Bench.
Pinerform ni Sandara ang kanyang hit song na "Kiss," maging ang tracks ng 2NE1 na "I'm the Best" at "Go Away."
Sinorpresa ng K-pop star ang lahat nang kantahin ang kanyang iconic Tagalog dance song na "In or Out" na sinabayan naman ng kanyang Filipino fans. Kita rin ang pagkamangha rito ng ilang Korean stars.
Sa kanyang Instagram post, ipinarating ni Sandara ang pasasalamat sa mainit na suportang natanggap mula sa Pinoy fans.
"Last night at “Shoot of ASIA” in the Philippines, I was so moved watching all the moments you captured. Hearing the cheers again made me emotional -- thank you for giving me such an unforgettable moment," sulat niya.
"To the everyone who shared the clips, and to my content team, thank you for making this night shine even brighter. Mahal ko kayo. Maraming salamat," dagdag niya.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG HIGHLIGHTS NG BENCH SHOOT OF ASIA EXHIBITION GAME DITO: