GMA Logo sandro muhlach
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

Sandro Muhlach, may mensahe para sa kanyang ex na si Ataska Mercado

By Dianne Mariano
Published May 11, 2024 10:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

sandro muhlach


Napanood ang Sparkle actor na si Sandro Muhlach sa "Expecially For You" segment ng 'It's Showtime.'

Sumalang ang Kapuso actor na si Sandro Muhlach sa “Expecially For You” ng It's Showtime nitong Biyernes, May 10, kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Ataska Mercado.

Ang actress-singer ang nagsilbing searcher sa naturang segment ng noontime variety show.

Sa pagsalang ng ex-couple sa “Expecially For You” ay napag-usapan kung paano nagsimula ang kanilang love story at kung paano ito nauwi sa hiwalayan. Ayon kay Sandro, nagtagal ang kanilang relasyon ng mahigit isang taon.

Kuwento naman ni Ataska, siya ang nakipaghiwalay kay Sandro dahil sinundan niya ang payo ng kanyang mga magulang.

“For a while, pinayagan po kami and then na-realize rin ng parents ko na baka masyado kaming bata and hindi pa kami mature enough to be in a relationship,” aniya.

Ayon kay Sandro, na-heartbroken siya nang makipaghiwalay ang kanyang dating nobya noon.

“First love ko po kasi siya, so syempre, masakit po sa akin. Isa pa po kasing reason bakit po kami nag-break kasi sinuportahan ko pa po siya sa movie niya. Nagkaroon siya ng movie with Viva, ýung Miss Granny. Sobrang proud ako of her.

"'Tapos, parang ilang days na, na-realize niya na gusto niyang mag-focus on her career, sa pag-aartista. And ayun nga, immaturity din for us kasi masyado po kaming bata so syempre na-hurt po ako,” kuwento niya.

Inilahad din ni Ataska na masakit para sa kanya na hiwalayan noon si Sandro dahil first love niya ito.

Matapos ito ay ipinakilala ang tatlong searchees para kay Ataska at sa huli ang nag-match sa aktres ay si Aaron.

Bago ipakilala si Ataska kay Aaron, nagbigay muna ng mensahe ang ex-boyfriend ng una na si Sandro.

“Hi, Ataska. Gusto ko lang naman maging masaya ka. Gusto ko maging successful tayo both and at the end of the day, I just want to be friends with you and nakuha ko rin 'yung closure na gusto ko and na gusto mo. I just want you to be happy,” aniya.

Nagbigay din ng mensahe si Ataska para sa aktor at sinabi, “Hi, Sandro. I wanna say thank you for being my first love and I forgive you for being my biggest heartbreak. And, I just want to say thank you for everything and despite everything that we've been through, even if we're not friends anymore, I just want you to be happy. Thank you because you always have a special place in my heart.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'