
Nais panagutin ng Sparkle actor na si Sandro Muhlach ang tatlong nagmamay-ari ng anonymous accounts sa social media site na X (dating Twitter) matapos siyang maghain ng cyber libel complaint sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime division.
Sa ulat ni Mel Tiangco sa 24 Oras noong Biyernes (August 30), naglabas ng pahayag ang NBI cybercrime division kung saan binanggit sa reklamo ni Sandro ang mahigit isang daang mapanirang posts tungkol sa umano'y naranasan niyang sexual abuse.
Sa parehong report, humingi rin ng pang-unawa ang lolo ng promising actor na si Alexander Muhlach sa publiko at sinabing dumadaan sa pagsubok ang kaniyang apo.
Lahad ni Alexander Muhlach, “Sandro has been struggling with significant challenges, such as trauma, anxiety, insomnia, and loss of appetite.
“This has taken a toll on his physical and mental well-being. We kindly ask everyone to respect Sandro's privacy during this difficult time.”
RELATED CONTENT: Meet Sandro Muhlach, Nino Muhlach's eldest son