
Kapanapanabik ang mga nangyayari sa tatlong primetime shows ng GMA na First Yaya, Endless Love, at Heartful Café.
Sa First Yaya, tuluyan nang nakipag-break si Yaya Melody (Sanya Lopez) kay President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) dahil kagagawan ni Nina Acosta (Cassy Legaspi) kung bakit namatay si Tatay Florencio (Buboy Garovillo).
Sa Endless Love, napapanood na simula Lunes sina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang sina Johnny at Jenny.
Sa huling linggo naman ng Heartful Café, litong lito pa rin si Heart (Julie Anne San Jose) kung sino ang pipiliin niya sa pagitan nina Ace (David Licauco) at Uno (Edgar Allan Guzman).
Dahil talagang tinututukan ng mga manonood ang tatlong palabas, may binansagan na ang netizens na "ina" ng GMA Telebabad.
Walang iba kung hindi ang beteranang aktres na si Sandy Andolong.
Ms. Sandy Andolong, ang bagong INA ng primetime. #FirstYayaTheTruth#EndlessLove
-- Titik-O (@MalusogNaTitikO) June 8, 2021
Ms. Sandy Andalong the newest primetime queen#FirstYayaTheTruth
-- JUAN 🍥 (@juanderpet_) June 8, 2021
#EndlessLove
Ms. Sandy Andolong for Primetime Queen#EndlessLove #FirstYayaTheIncident https://t.co/K8P8xSbsMZ
-- Douglas Errol (@kapusongkim) June 7, 2021
Sa parehong First Yaya at Endless Love, parehong ginagampanan ni Sandy ang ina ng mga bidang babaeng sina Yaya Melody at Jenny.
Ang tanong tuloy ng ilan, magkapatid ba sina Yaya Melody at Jenny?
Magkapatid pala si Yaya Melody at Jenny? Iisa lang ang nanay si Sandy Andolong! Lol #EndlessLove
-- Thar-rific (@tharrific) June 7, 2021
Kahit na mahigit isang dekada ang pagitan ng First Yaya at Endless Love, na nauna nang ipinalabas noong 2010, hindi pa rin nawawala ang galing sa pag-arte ni Sandy.
Komento ng isa, talagang pinapaiyak siya ng karakter nitong sina Nanay Edna ng First Yaya at Nanay Katherine ng Endless Love.
First Yaya pa lang pinapaiyak n'yo na si Ms. Sandy Andolong hanggang Endless Love ba naman?#EndlessLove
-- Empress K (@EmpressKxxx) June 8, 2021
From #firstyaya to #endlesslove, ang busy ni nanay edna #sandyandolong. #FirstYayaTheTruth
-- SanDenFanᶠᶦʳˢᵗ ʸᵃʸᵃ/ᵀʰᵉᵂᵒʳˡᵈᴮᵉᵗʷᵉᵉⁿᵁˢ (@SanDenFan1) June 8, 2021
Anong masasabi niyo sa nag-iisang Sandy Andolong? Patuloy na tumutok sa GMA Telebabad, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras.
Alamin kung saan na ang cast ng Philippine adaptation ng Endless Love ngayon sa gallery na ito: