GMA Logo Sandy Andolong
What's on TV

Sandy Andolong, inaming bina-bash pa rin ng mga Noranians

By Kristian Eric Javier
Published June 5, 2024 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Baguio City declares state of calamity due to fuel crisis
Letran Lady Knights are the NCAA S101 women's volleyball champs
Mapaang nga tiyempo padayon nga mabatyagan; bagyo, wala pa sang epekto | One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Sandy Andolong


Kahit nakakatanggap ng masasakit na salita, hindi na lang pinapansin ni Sandy Andolong ang bashing ng mga fans ni Nora Aunor.

Naging usap-usapan noon ang relasyon nina Sandy Andolong at Christopher de Leon, lalo na at ikinasal muna ang beteranong aktor kay Nora Aunor. Ayon sa kaniya, nag-react ang mga Noranians, o fans ng Superstar, sa naging relationship nila ng aktor noon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 4, sinabi ni Sandy na wala pa namang social media noon kaya hindi siya masyadong nakakapag-react sa pamba-bash ng fans. Ngunit pag-amin ng aktres, kahit hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin siya ng masasakit na salita.

“I find that out from other people, from fans, kasi hindi naman talaga ako nagbabasa. But sometimes, like in my account, Instagram, may papasok,” sabi niya.

Dagdag ni Sandy, “And it has come to a point, nu'ng araw pa man hindi ko naman pinapansin talaga. It doesn't really affect me because they don't know the true story behind sa buhay namin, how everything started.”

Ngayon na mayroong social media at mas madali nang mang-bash ng ibang tao at mag-react. Natatawa na lang siya at sinabing wala naman talaga siyang pakialam.

Paliwanag ni Sandy, “I don't care because it will not make my life better. But if they're happy doing that, 'yung saying cruel things about myself, that's okay, ako lang 'yan e. 'Wag lang mga anak ko.”

Nakatanggap din daw ng matinding pamba-bash ang kaniyang anak na si Mariel de Leon. Sumasagot umano si Sandy sa mga comments laban sa kaniyang anak, ngunit nilinaw na pinag-iisipan niya muna ang isasagot.

“I think first, 'yung how will I say this in a nice way na I'm not going to end up like them, hindi ganun. So I would correct them, and I would always end with 'God bless you, I will pray for you,'” paliwanag niya.

TINGNAN ANG BEST REACTIONS NG CELEBRITIES SA BASHERS SA GALLERY NA ITO: