
Mainit pa rin ang naging pagtanggap ng publiko sa nalalapit na pangatlong pagtatanghal ng "Get, Get, Aw!" concert ng iconic Pinoy group na Sexbomb Girls.
Agawan at unahan pa rin ang kanilang fans sa pagbili ng ticket para sa additional show na pinamagatang "rAWnd 3 The Finale."
Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Sexbomb Girls member Sandy sa patuloy na suporta na natatanggap ng kanilang grupo.
"SEXBOMB SANDY. Pati kami naubusan ng pang reserve ng ticket for Sexbomb Concert huhuhu. Grabe talaga ang mga pinalaki ng Sexbomb. Love you guys. GetgetAwww," sulat niya sa Instagram.
Nakatakdang itanghal ang "Get, Get, Aw! rAWnd 3 The Finale" ng Sexbomb Girls sa February 6 sa SM Mall of Asia Arena.
Una itong napanood ang sold-out concert noong December 4 sa Araneta Coliseum.
Dahil sa hiling ng maraming mga tagahanga na hindi nagkaroon ng pagkakataong mapanood sila dito, nagdagdag ang Sexbomb Girls ng isa pang show noong December 9 sa SM Mall of Asia Arena.
Bitin pa rin ang fans kaya minarapat ng grupo na itanghal muli sa ikatlong pagkakataon ang concert.
SILIPIN ANG HIGHLIGHTS NG "GET, GET, AW!" CONCERT NG SEXBOMB GIRLS DITO: