GMA Logo Sanggang Dikit FR
What's on TV

Sanggang-Dikit FR: Bobby at Charlie, nagkaroon ng swimming showdown!

By Jansen Ramos
Published August 28, 2025 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Sanggang Dikit FR


Natalo man si Bobby (Jennylyn Mercado) sa kanilang swimming race ni Charlie (Katrina Halili), nakuha niya ang atensyon ng netizens at maging ni Tonyo (Dennis Trillo).

Naging mainit ang mga tagpo sa pinag-uusapang GMA Prime action series na Sanggang-Dikit FR kagabi.

Sa episode ng serye noong Huwebes, Agosto 27, nagpatuloy ang tapatan nina Bobby (Jennylyn Mercado) at Charlie (Katrina Halili).

This time, nagharap sila sa isang swimming showdown. Nagpatagisan ang dalawang pulis hindi lang ng galing sa paglangoy, pati na rin sa kaseksihan habang suot ang kanilang swimsuits. Sa huli, nanalo si Charlie sa race.

Bagamat natalo si Bobby, nakuha niya ang atensyon ng netizens dahil ni-live ng influencer at kanyang half-sister na si Faye (Zonia Mejia) sa social media ang kanilang kompetisyon.

At maging si Tonyo (Dennis Trillo) ay nahumaling sa tindig ni Bobby.

Patuloy na subaybayan ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. May replay din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.

RELATED CONTENT: What happened at 'Sanggang-Dikit FR' mediacon