What's on TV

Sanggang-Dikit FR: Tonyo at Bobby, pinagpatuloy ang misyon si Milan

By Jansen Ramos
Published August 10, 2025 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At least 5,000 dead in Iran unrest, official says, as judiciary hints at executions
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sanggang Dikit FR


Sa nakaraang linggo ng GMA Prime action series na 'Sanggang-Dikit FR,' lumipad sina Tonyo (Dennis Trillo) at Bobby (Jennylyn Mercado) sa Milan mula Dubai para sagipin sina Selena (Liezel Lopez) at Reign (Patricia Coma) sa sindikato.

Puno ng aksyon ang mga eksenang hatid ng sinusubaybayang GMA Prime series gabi-gabi na Sanggang-Dikit FR.

Sa nakaraang linggo ng serye, lumipad sina Tonyo (Dennis Trillo) at Bobby (Jennylyn Mercado) sa ibang bansa para sa isang mahalagang misyon.

Pumunta sila sa Dubai para i-rescue ang star witness na si Selena (Liezel Lopez) at ang kinakapatid ni Bobby na si Reign (Patricia Coma) mula sa sindikato na involved sa human trafficking.

Suspetsa ni Tonyo, may espiya sa loob ng kanilang istasyon. Naalarma rin si Bobby dahil nangyari ang kidnapping bago tumestigo si Selena laban kay Victor (Al Tantay).

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakatanggap si Bobby ng text message mula kay Selena na maaaring maging daan para maligtas siya at ang iba pang mga bihag. Subalit, nawalan ng baterya ang cellphone ni Selena.

Binigyan naman ng instruksyon ni Roman (Jeffrey Santos) si Markus (Michael Roy Jornales) na huwag nang ibalik si Selena sa Pilipinas, alinsunod sa kagustuhan ni Glen (Juancho Trivino).

Matapos ang hanapan at habulan sa Dubai, napag-alaman nina Tonyo at Bobby na dinala naman sina Selena at Reign sa Milan ng sindikato kaya dali-dali silang pumunta roon.

Sa tulong ni Garcia (Joross Gamboa), nakita niya ang kanilang target na si Markus sa Milan. Maging susi na kaya ito para masagip nila sina Selena at Reign?


Panoorin ang buong episode sa video sa itaas.

Ipinapalabas ang Sanggang-Dikit FR weekdays, 8:50 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 p.m.

RELATED CONTENT: What happened at 'Sanggang-Dikit FR' mediacon