
Legit na pasabog ang mga eksenang hatid ng sinusubaybayang GMA Prime drama gabi-gabi na Sanggang-Dikit FR.
Sa episode ng action series noong Biyernes, August 1, nalagay sa panganib si Mayor Joaquin (Roi Vinzon) dahil sa bombang itinanim ng kaniyang mga kalaban.
Gumawa ng paraan si Tonyo (Dennis Trillo) upang mabulilyaso niya ang masamang balak ni Roman (Jeffrey Santos) sa kampo ng alkalde.
Nagtulong-tulong sina Tonyo, Bobby (Jennylyn Mercado), at Noble (Seb Pajarillo) upang mahanap ang bomba na pasasabugin sa rally ni Mayor Juaquin.
Agad namang napagbintangan si Victor Santiago (Al Tantay) bilang may pakana sa naganap na pagsabog.
Panoorin ang buong episode sa video sa itaas.
Ipinapalabas ang Sanggang-Dikit FR weekdays, 8:50 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 p.m.
RELATED CONTENT: What happened at 'Sanggang-Dikit FR' mediacon