
Patuloy na namamayagpag ang GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR.
Mula Lunes, July 21, patok sa TV viewership ang pinag-uusapang action series na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Sa latest ratings post ng GMA Network, nakakuha ng mas mataas na rating ang July 23 at July 24 episodes ng Sanggang-Dikit FR kumpara sa katapat nitong programa, base sa preliminary/overnight data of Nielsen Philippines Television Audience Measurement (TAM).
Sa tumitinding kwento ng Sanggang-Dikit FR, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga nina Tonyo (Dennis Trillo) at Bobby (Jennylyn Mercado) sa mga krimeng nangyayari sa nasasakupan ng kanilang presinto.
Matapos makipagtulungan ng whistleblower na si Daga (Janus Del Prado) sa dalawang pulis, maiipit si Daga nang dahil sa isang suspect sketch na nag-uugnay sa politikong si Amo (Al Tantay).
Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:50 p.m.
RELATED CONTENT: What happened at 'Sanggang-Dikit FR' mediacon