GMA Logo Kelvin Miranda, Faith Da Silva
Photo by: Encantadia Chronicles: Sang’gre
What's on TV

Sang'gre: Adamus at Flamarra, susugurin si Kera Mitena!

By Kristine Kang
Published July 4, 2025 2:35 PM PHT
Updated July 4, 2025 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda, Faith Da Silva


Ano kaya ang mangyayari kina Sang'gre Adamus at Flamarra? Abangan 'yan ngayong Biyernes sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'!

Sa kabila ng pagsakop ni Kera Mitena (Rhian Ramos) sa kanilang tahanan, nananatiling matatag ang bagong henerasyon na handang ipaglaban ang kalayaan ng Encantadia.

Sa bagong teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, makikitang lulusob sina Sang'gre Adamus (Kelvin Miranda) at Flamarra (Faith Da Silva) sa mismong palasyo ng Kera. Dala-dala nila ang bugso ng galit at hangaring mapalaya ang kanilang mga minamahal.

Samantala, sa mundo ng mga tao, malalaman na ni Terra (Juharra Asayo) ang kanyang tunay na mga magulang. May makikilala rin siyang isang misteryosong lalaki na tila may alam sa mundo ng mga diwata.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: