
Tiyak na puno ng aksyon at kapana-panabik na mga eksena ang mapapanood ngayong Biyernes (August 1) sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Matapos ang kaguluhan na pinasimulan ni Sang'gre Adamus (Kelvin Miranda) sa piitan, haharap na siya sa isang matinding labanan sa harap mismo ni Kera Mitena (Rhian Ramos).
Samantala sa mundo ng mga tao, mapipilitan namang muling labanan ni Terra (Bianca Umali) ang mga tauhan ni Governor Emil Salvador (Ricky Davao).
Pero hindi rito nagtatapos ang kapanapanabik na mga tagpo! Sa pinakabagong teaser, nasilayan din ang kaabang-abang na pagbisita sa Devas at ang muling pagpapakita ni Sang'gre Amihan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: