GMA Logo Kelvin Miranda as Adamus and Rhian Ramos as Mitena in Encantadia Chronicles Sanggre
Photo by: Encantadia Chronicles: Sang’gre
What's on TV

Sang'gre: Adamus laban kanyang kalahi; Kera Mitena, malalaman na ba ang katotohanan?

By Kristine Kang
Published August 11, 2025 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda as Adamus and Rhian Ramos as Mitena in Encantadia Chronicles Sanggre


Mabubunyag na ba kay Kera Mitena ang katotohanan tungkol kay Terra? Abangan 'yan mamaya sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'!

Intense ang mga eksenang aabangan ngayong linggo sa GMA superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Simula ngayong Lunes (August 11), muling haharap si Adamus (Kelvin Miranda) sa isang matinding labanan sa harap ni Kera Mitena (Rhian Ramos). Ngunit labag sa kanyang kalooban ang kanilang magiging tapatan, lalo pa't mga kalahi niya ang kanyang kakalabanin.

Hindi lang iyon, magdudulot din ng pangamba ang patuloy na pagdududa ni Kera Mitena sa mga winiwika ng Batis ng Katotohanan.

Samantala, tuloy ang paghahanap ni Pirena (Glaiza De Castro) kay Terra (Bianca Umali) sa mundo ng mga tao. Para sa kanyang misyon, balak na ni Pirena humingi ng tulong sa kanyang Kambal-Diwa.

Ano kaya ang kahihinatnan ng magiging laban ni Adamus? Handa na bang mamaalam si Mona kay Terra? Ano ang magiging papel ng kambal-diwa ni Pirena? At matutuklasan na ba ni Kera Mitena ang katotohanan tungkol sa tagapagligtas ng Encantadia?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: