
Pinakinggan ni Bathalang Emre ang kahilingan ni Rama Ybrahim (Ruru Madrid) na siya ay kuhanin na upang muling makapiling ang pinakamamahal niyang si Amihan (Kylie Padilla) sa Devas.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, makikitang magkasama na sina Amihan at Ybrahim sa Devas. Ipinasilip din ang pagkuwestiyon ni Ybrahim kay Bathalang Emre kung bakit hinayaan nito ang masalimuot na nangyari sa Encantadia.
Muli ring makakasama nina Amihan at Ybrahim sa Devas ang kanilang anak na si Lira (Mikee Quintos) at hadiya (pamangkin) na si Mira (Kate Valdez).
Samantala, pahintulutan kaya ni Emre ang pakiusap nina Amihan at Ybrahim na muli silang makabalik sa Encantadia?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: