
Isang matinding labanan ang mangyayari ngayong gabi sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Para protektahan ang mga mundo laban sa kadiliman, gagawin nina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) ang lahat sa kanilang kapangyarihan.
Ngunit sa nalalapit na harapan, tila buhay ang magiging kapalit.
Tuluyan na nga bang masasawi si Terra (Bianca Umali) sa kamay ni Gargan (Tom Rodriguez)?
Abangan 'yan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Silipin ang behind-the-scenes ni Flamarra sa set sa gallery na ito: