
Sa gitna ng laban ng mga bathaluman at bathala kay Gargan (Tom Rodriguez) ay dumating ang diyosa ng mga buwan na si Bathalumang Haliya (Ahtisa Manalo).
Ayon kay Ether (Janice Hung), si Haliya ang unang bathaluman na hindi natakot sa kapangyarihan ni Gargan.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipinasilip ang pagbati ni Haliya kay Gargan. Nakangiting sabi ni Haliya, "Napakatagal ng panahon nang huli tayong nagkita, Gargan."
Kapansin-pansin naman ang malalim at tila may kahulugang pagtitig sa kanya ni Gargan.
Tuluyan na kayang mapapabagsak ng mga bathaluman at bathala si Gargan?
Samantala sa Sapiro, manganganib ang buhay ng mga Mine-a-ve na sina Daron (Jon Lucas) at Chedruk (Prince Clemente).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
RELATED CONTENT: Ysabel Ortega, ipinakita ang ilang behind-the-scenes sa set ng
'Sang'gre'