
Patindi nang patindi ang digmaan ng mga Sang'gre laban sa hukbo ng kasamaan!
Sa inilabas na teaser ng superserye, magsasanib-puwersa ang mga Sang'gre para sugpuin ang Bathala ng Kadiliman na si Gargan (Tom Rodriguez).
Buong tapang ding haharapin nina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kevlin Miranda), at Terra (Bianca Umali) ang lumalakas na kapangyarihan nina Mitena (Rhian Ramos) at Zaur (Gabby Eigenmann).
Samantala, malalagay sa panganib ang buhay ni Hara Armea (Ysabel Ortega) sa kamay ng mga taksil ng Sapiro.
Magtatagumpay kaya ang mga Sang'gre sa kanilang laban?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, silipin ang ilan sa behind-the scenes ng superserye sa gallery na ito: