
Unti-unti nang nabubunyag ang mga sekreto sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa mga inilabas na teaser, ipinakita na tila malalaman na ni Kera Mitena (Rhian Ramos) na may kinikimkim na lihim ang Batis ng Katotohanan. Nais din niyang hanapin ang Akashic upang maipakita ang tunay na katauhan ng tagapagligtas ng Encantadia.
Sa gitna ng kaguluhan, may pag-asang dumating sa piitan nina Flamarra at Adamus. Isang kaibigan na maaaring makatulong sa kanilang pagtakas at paglaban sa mga taga Mine-a-ve.
Samantala, sa kabila ng hindi pagkakaunawaan, sasagipin ni Terra (Bianca Umali) si Cami (Pamela Prinster).
Simula na kaya ito ng pagkakaibigan sa pagitan nila? Ano anng mangyayari sa mundo ng Encantadia?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: