
Patuloy na kinokontrol ni Gargan (Tom Rodriguez) ang magkakapatid na Sang'gre na sina Pirena (Glaiza De Castro), Danaya (Sanya Lopez), Alena (Gabbi Garcia), at Amihan (Kylie Padilla), sa pamamagitan ng mga piraso ng Itim na Brilyante na kanilang hawak, laban sa mga bagong Sang'gre.
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre para sa natitirang apat na gabi, lalabanan ng magkakapatid na Sang'gre ang kasamaan na kumukontrol sa kanila.
Maririnig si Amihan habang isinisigaw sa mga kapatid na Sang'gre: "Alalahanin n'yo ang ating sumpaan."
Pilit ding lumalaban si Danaya na nagsabi, "Walang puwang ang kasamaan sa ating puso at isipan."
Ano kaya ang kanilang gagawing sakripisyo para wakasan ito?
Samantala, ipinasilip din ang pagsalo ni Agnem (Mikoy Morales) sa tangkang pagsaksak ni Mitena (Rhian Ramos) kay Lira (Mikee Quintos).
Huwag palampasin ang epic finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
NARITO ANG ILAN PANG HINDI DAPAT PALAMPASIN SA EPIC FINALE WEEK NG 'SANG'GRE':