
Gagawa na ng paraan ang mga Sang'gre upang pigilan ang masasamang balak ng kanilang mga kalaban.
Sa inilabas na teaser ng superserye, lumapit si Armea (Ysabel Ortega) sa kanyang ina na si Hara Alena (Gabbi Garcia) upang humingi ng payo para sa Sapiro.
Samantala, sa mundo ng mga tao, muling haharap sina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) sa Bathala ng Kadiliman na si Gargan (Tom Rodriguez).
Gayunman, tila may masamang kutob si Danaya (Sanya Lopez) sa nalalapit nilang labanan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Iboto ang Encantadia Chronicles: Sang'gre at iba pang paboritong Kapuso series ngayong taon sa GMANetwork.com Awards!