GMA Logo Encantadia Chronicles Sang'gre episode 140 teaser
What's on TV

Sang'gre: Armea, tuluyang tatakasan ang kasal; muling mapupunta sa bitag ni Daron

By Aimee Anoc
Published December 26, 2025 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Four dead after bus falls into ravine in Camarines Sur
Four dead after bus falls into ravine in Camarines Sur
Marian Rivera and Dingdong Dantes mark Christmas with annual family photo

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sang'gre episode 140 teaser


Tatanggapin na kaya ni Mitena ang pakikipagkasundo sa kanya ni Hagorn kapalit ng kalayaan?

Muling pupuntahan ni Hagorn (John Arcilla) si Mitena (Rhian Ramos) para makipagkasundo!

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, aalukin ni Hagorn si Mitena na umanib sa kanya kapalit ng kalayaan.

Sa Sapiro, tuluyan nang tatakasan ni Hara Armea (Ysabel Ortega) ang sapilitang kasalan nila ni Soldarius (Luis Hontiveros). Sa pagtakas, muling mapupunta si Armea sa bitag ng Mine-a-ve na si Daron (Jon Lucas).

Labis naman ang pag-aalala ni Hara Alena (Gabbi Garcia) nang mabalitaang may dumukot kay Armea. Dahil dito, magtatalaga siya ng isang pangkat na hahalughog sa buong Encantadia para mahanap si Armea.

Samantala, magbabalik na sa Encantadia si Danaya (Sanya Lopez) matapos malaman na kinakailangan siya ng kapatid na si Alena. Pakikiusapan naman ni Terra (Bianca Umali) ang inang si Danaya na iwan na lamang ang kapatid na si Gaiea (Cassy Lavarias) sa mundo ng mga tao para makasama niya.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.