
Pinili na ng mga sagisag ng brilyante ang susunod na mga tagapangalaga.
Makikita kay Flamarra (Faith Da Silva) ang sagisag ng Brilyante ng Apoy, habang na kay Adamus (Kelvin Miranda) naman ang sagisag ng Brilyante ng Tubig at pumunta kay Terra (Bianca Umali) ang sagisag ng Brilyante ng Lupa.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, labis ang pagtataka ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) kung bakit si Deia (Angel Guardian) ang napili ng sagisag ng Brilyante ng Hangin gayong wala naman itong marka ng isang Sang'gre.
Naisip naman ni Flamarra na maaaring pakana lamang ito ni Mitena (Rhian Ramos) sa tulong ni Deia.
Samantala, inihahanda na ni Zaur (Gabby Eigenmann) ang alagang ahas na makakatulong sa pagtataksil niya kay Mitena.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: