
Nakarating na sa Devas si Cassiopea (Solenn Heussaff) at ramdam niya ang pagluluksa ng lahat rito.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, muling makakausap ni Cassiopea si Emre at malalaman ang kapahamakang darating sa Encantadia.
Samantala sa Balaak, sasabihin na ni Hagorn (John Arcilla) kay Pirena (Glaiza De Castro) ang pagkamatay ni Bathalang Emre at ang paglaya ng Bathala ng Kadiliman na si Gargan (Tom Rodriguez).
Muli ring bibigyan ni Hagorn ng pagkakataon si Pirena na piliin siya.
Ipinasilip na rin ang paghahasik ni Gargan ng lagim sa mundo ng mga tao.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NINA SOLENN HEUSSAFF AT RHIAN RAMOS BILANG CASSIOPEA AT MITENA SA GALLERY NA ITO: