
Makikilala na si Terra, ang itinakdang tagapagligtas ng Encantadia!
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, malalaman na ni Kera Mitena (Rhian Ramos) ang tungkol sa itinakdang tagapagligtas ng Encantadia, ang anak ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez).
Ipinasilip din ang panalangin nina Sang'gre Danaya, Sang'gre Alena (Gabbi Garcia), Hara Armea (Ysabel Ortega), at Cassiopea (Solenn Heussaff) para sa kaligtasan nina Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro), Flamarra (Faith Da Silva), at Adamus (Kelvin Miranda).
Ipinakita na rin ang batang si Terra (Juharra Asayo) sa mundo ng mga tao.
Ipinakita na rin ang batang si Terra (Juharra Asayo) sa mundo ng mga tao.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: