GMA Logo Encantadia Chronicles Sang gre episode 131teaser
What's on TV

Sang'gre: Cassiopea vs. Gargan; Deia, haharapin ang kanyang ina

By Kristine Kang
Published December 15, 2025 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DBM Acting Sec. Rolando Toledo appears before the ICI (Dec. 15, 2025) | GMA Integrated News
8 dead after multicab falls into ravine in Ayungon, NegOr
LRT-1 opens full operations in 25 stations

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sang gre episode 131teaser


Abangan mamaya ang harapan ng mga Sang'gre at kampon ng kadiliman!

Isa na namang matinding labanan ang magaganap ngayong Lunes (December 15) sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa teaser ng superserye, muling sasalakayin ni Gargan (Tom Rodriguez) ang bahay ni Paopao.

Upang iligtas ang lahat mula sa kadiliman, haharapin ng mga Sang'gre ang mababangis na kalaban, kabilang ang ina ni Deia (Angel Guardian) na si Olgana (Bianca Manalo).

Samantala, magsisimula na rin ang matinding sagupaan ng mga Bathalang Cassiopea (Solenn Heussaff) at Gargan!

Ano ang mangyayari sa harapan ng dalawang Bathala? Makakaya kaya ni Deia paslangin ang kanyang sariling ina?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Iboto ang Encantadia Chronicles: Sang'gre at iba pang paboritong Kapuso series ngayong taon sa GMANetwork.com Awards!