
Sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng iconic fantasy series na Encantadia, nagsagawa ang GMA ng "Sang'gre For A Day" event kung saan suot ang kulay ng paborito nilang Sang'gre ay mainit na sinalubong ng Kapuso employees ang pagdating ng Encantadia Chronicles: Sang'gre cast sa GMA Network.
Present sa pagsalubong ang GMA executives na sina GMA Network Head of Entertainment Group Cheryl Ching-Sy at GMA Senior Project Manager Helen Rose Sese.
Dumating nang naka-full costume sa GMA Network ang new-gen Sang'gres na sina Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia. Kasama ang iconic character ng Encantadia na si Imaw.
Hindi naman nakadalo ang new-gen Sang'gre na si Bianca Umali, na gaganap bilang Terra. Kasalukuyang abala si Bianca bilang isa sa judges ng Miss Universe Philippines 2025.
Umere ang unang episode ng Encantadia noong May 2, 2005, na pinagbidahan ng OG Sang'gres na sina Iza Calzado bilang Amihan, Sunshine Dizon bilang Pirena, Karylle bilang Alena, at Diana Zubiri bilang Danaya.
Makalipas ang 11 taon, nagkaroon ng reboot ang iconic series na pinagbidahan naman nina Kylie Padilla bilang Amihan, Glaiza de Castro bilang Pirena, Gabbi Garcia bilang Alena, at Sanya Lopez bilang Danaya.
Ngayong 2025, ipagpapatuloy ang kuwento ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre, na pagbibidahan ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.
Panoorin ang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
RELATED CONTENT: SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA EKSENANG IPINASILIP SA BAGONG TEASER NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO