
May pagkakataon ka nang maranasan ang ganda ng Encantadia sa magaganap na "The Sang'gre Experience" ngayong Linggo, July 20, mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Gateway 2, Quantum Skyview, Araneta City.
Ito na ang tyansa na ma-meet ang paborito mong mga Sang'gre na sina Angel Guardian, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Bianca Umali.
Abangan din sa event ang mga Mine-a-ve sa pangunguna ni Rhian Ramos kasama sina Shuvee Etrata, Bianca Manalo, Gabby Eigenmann, at Jon Lucas.
Nariyan din ang Gueco twins na sina Kiel at Vito, maging ang Kapuso hunk actor na si Luis Hontiveros.
May pagkakataon ka ring makita ang mga kaharian ng Encantadia: Lireo, Adamya, Sapiro, at Hathoria.
Libre ang entrance at maaaring sumali sa fun activities.
Samantala, abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: