
Magpapang-abot sina Deia (Angel Guardian) at Flamarra (Faith Da Silva)!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, tila may hinahanap si Deia at makikita siya ni Flamarra. Dito na tinawag ni Flamarra na taksil si Deia at nagpang-abot.
Sa kagubatan, mas napapalapit na sa isa't isa sina Naya (Bianca Umali) at Samina (Rhian Ramos). Hindi rin napigilan ni Samina na humanga sa kabutihan ni Naya.
Samantala, pinaplano na ni Zaur (Gabby Eigenmann) ang paglusob sa Asilades kung saan naroroon ang mga Sang'gre.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: