GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre episode 66 teaser
What's on TV

Sang'gre: Deia, lilipad patungong Asilades kung nasaan sina Adamus, Flamarra, at Terra

By Aimee Anoc
Published September 15, 2025 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre episode 66 teaser


Sa pagdating ni Deia sa Asilades, makikilala na nina Terra, Adamus, at Flamarra ang itinakdang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin!

Makikilala na ang mga itinakdang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa, Tubig, Apoy, at Hangin.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, sa tulong ni Ednu (Jamie Wilson) tuluyang makakatakas si Deia (Angel Guardian) sa kaparusahang kamatayan ni Kera Mitena (Rhian Ramos).

Sa pagtakas ni Deia, isang griffin (maalamat na nilalang na may ulo at pakpak ng agila at katawan ng leon) na magdadala sa kaniya sa Asilades kung saan nagtatago ang grupo nina Flamara (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) kasama ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro).

Tanggapin kaya si Deia ng mga Sang'gre at Encantado sa Asilades?

Sa Lireo, aalamin ni Mitena kung sino sa kaniyang mga tauhan ang taksil sa pamamagitan ng isang pagsubok.

Samantala, ipinasilip na rin ang kakayahan ni Deia na ma-control ang hangin sa pagligtas kina Sang'gre Pirena at Terra mula sa kapahamakan.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA

-