
Simula na ng panibagong laban ng Encantadia laban sa malupit na kera (reyna) na si Mitena (Rhian Ramos) ngayong nakabalik na si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) kasama si Terra (Bianca Umali).
Nagkasama-sama na rin ang magpipinsang Sang'gre na sina Terra, Adamus (Kelvin Miranda), at Flamarra (Faith Da Silva). Pero hindi pa kumpleto ang mga bagong tagapangalaga ng mga Brilyante dahil hindi pa nakikilala ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, tinanong ni Adamus ang kanyang Ashti Pirena kung sino ang tagapagmana ng Brilyante ng Hangin, kung saan sagot ni Pirena ay tanging Brilyante ng Hangin lamang ang makakapagpasya kung sino ang karapat-dapat na magiging bago nitong tagapangalaga.
Ipinasilip din ang pinaplanong pagtataksil ni Zaur (Gabby Eigenmann) kay Mitena.
Bukod kay Zaur, tatalikuran na rin ni Deia (Angel Guardian) si Mitena.
Samantala, muling manganganib ang buhay ni Anaca (Mika Salamanca) sa kamay ni Sang'gre Pirena.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
NARITO ANG ILANG MGA AABANGANG EKSENA SA ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE NGAYONG LINGGO: