
Maaksyon at mabibigat ang emosyong masasaksihan ngayong Huwebes sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, nagsimula nang matupad ang propesiya ni Cassiopea (Solenn Heussaff)--ang paglusob ni Mitena (Rhian Ramos) sa Encantadia.
Ipinasilip na rin ang paghaharap nina Mitena at Cassandra (Michelle Dee), maging ang pakikipaglaban nina Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro), Sang'gre Alena (Gabbi Garcia), Adamus (Kelvin Miranda), Lira (Mikee Quintos), at Mira (Kate Valdez) sa mga Mine-a-ves.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: