
Napagtagumpayan nina Terra (Bianca Umali) at Adamus (Kelvin Miranda) ang mga pagsubok ng sinaunang Kambal-Diwa na sina Harahen (Diana Zubiri) at Celebes (Gazini Ganados).
Ngunit patuloy ang matinding laban nina Flamarra (Faith Da Silva) at Pirena (Glaiza De Castro) sa Kambal-Diwa ng Brilyante ng Apoy na si Lavanea (Ina Feleo).
Samantala, haharap si Deia (Angel Guardian) sa isang pagsubok mula sa sinaunang Kambal-Diwa ng Brilyante ng Hangin na si Erenea (Patricia Tumulak).
Sa gitna nito, makikita ni Deia ang matagal na niyang hinahanap, ang kanyang ina na si Olgana (Bianca Manalo)!
Ano ang ginagawa ni Olgana sa Devas? Magtagumpay kaya sina Flamarra at Deia na maibalik sa mga Brilyante ang sinaunang Kambal-Diwa?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/encantadia_chronicles_sanggre/24173/meet-the-powerful-cast-of-encantadia-chronicles-sanggre/photo