GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre episode 166 teaser
What's on TV

Sang'gre: Flamarra at Soldarius, magkikita muli; Mitena, may bagong pangitain

By Kristine Kang
Published February 2, 2026 10:37 AM PHT
Updated February 2, 2026 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH pushes AI hub proposal to support MSMEs
Marian Rivera launches Vida Essentials line via six-hour live selling session
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre episode 166 teaser


Ano ang ibig sabihin ng pangitain ni Mitena? Alamin sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'!

Patindi nang patindi ang kaguluhan sa mundo ng mga tao at sa Encantadia!

Sa inilabas na teaser ng superserye, maghaharap muli ang mga Sang'gre at ang nagbabalik na si Hagorn (John Arcilla).

Ngunit sa gitna ng nagbabadyang digmaan, isang bagong pangitain ang nasilayan ni Mitena (Rhian Ramos) tungkol sa mga bagong Sang'gre.

Samantala, isang masakit na katotohanan ang haharapin ni Flamarra (Faith Da Silva) sa muli nilang pagkikita ni Soldarius (Luis Hontiveros).

Matatalo kaya nila ang hukbo ni Hagorn? Tuluyan na nga bang mapapaslang ang mga bagong Sang'gre?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, silipin ang behind-the-scenes ni Faith Da Silva sa Sang'gre, dito: