
Nagtagumpay ang mga Sang'gre kasama si Mitena (Rhian Ramos) na matalo si Hagorn (John Arcilla)! Tuluyan na ring winakasan ni Amihan (Kylie Padilla) ang buhay nito.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, pasasalamatan ni Terra (Bianca Umali) si Mitena sa tulong na ginawa nito para tuluyan nang mawakasan ang kasamaan ni Hagorn.
Pero sa kabila ng pagtulong ay hindi pa rin lubos na pagkakatiwalaan ng mga Sang'gre si Mitena at ikukulong ito.
Samantala, muling magkikita sina Sang'gre Flamarra (Faith Da Silva) at Rama Soldarius (Luis Hontiveros).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Sanya Lopez celebrates Women's Month with Sang'gre gallery